Jeca | 18 | Manila
A material girl, fond of eating, likes shopping but hates spending money.

May 26th
11:16 AM

Naiinis ako sa kapatid ko. :/

Grounded siya for a month. Mula kasi nung dumating ako dito galing Manila (03.18.12) hanggang ngayon, lagi na lang siya ginagabi ng uwi. As in. Halos, gabi-gabi nga eh. Sa dami ng dinadahilan niya pag nagpapaalam siya para lumabas, di na namin alam kung ano ang totoo. Di na nga namin siya nakakasabay maghapunan eh. Mas gusto pa niya kasama mga kabarkada niya. Minsan, nandito nga siya sa bahay the whole day, pero di rin naman namin nakakausap/nakakasama, kasi nagkukulong lang siya sa kwarto, hawak ang cellphone, katext mga kabarkada niya 24/7. Parang tanga lang, di ba?

Kanina naman, umalis nanay at tatay ko, pumuntang kasalan. Pinapunta niya yung dalawa niyang kabarkada dito sa bahay, manonood daw sila ng movie. Tapos maya maya ng konti, sabi niya, “Ate, punta lang kaming Food Court ha. May ipapabili ka?” (Hindi siya yung sa SM ah? Para siyang lane ng mga street foods dito samin.) Eh parang gusto ko ng kwek-kwek at fries, kaya nagpabili ako. Inorasan ko siya, 5pm siya umalis ng bahay. Habang hinihintay ko siya, umakyat muna ako, naglaptop, nood ng movie. After nung isang movie, sakto nagtatawag na yung maid namin. Kakain na daw ng hapunan. Naalaala ko bigla, nagpabili ako sa kapatid ko ng kwek-kwek at fries, asan na? Pagbaba ko, hinanap ko kagad kapatid ko. 7pm na wala pa rin siya. Sabi ko sa isip ko, “Wow ha? Kala mo ilang oras ang byahe papuntang Food Court. Eh kaya naman ng 15mins pumunta dun pag lakad, 5mins kung tricycle.”

7:30pm na, wala pa rin siya. Eh sabi nung maid namin, dumeretcho na daw yung nanay at tatay ko sa simbahan para sa anticipated mass, para di na sila sisimba bukas. 7pm yung mass, so 8pm nandito na sila. Naalala ko yung kapatid ko, kasi grounded yun, baka maabutan na wala pa siya dito sa bahay. Kaya pinatext ko na siya kay kuya. Di daw nagrereply. Naisip ko na baka naman sumimba na rin kaya wala pa at di nagrereply.  

8:10pm, dumating na nanay at tatay ko. Ako na nagbukas nung garage para makita ko kung andun siya sa sasakyan kasama nila. Nakita ko, dadalawa yung nasa loob. Nagsimula na kong mainis. Sinabi ko kagad sa tatay ko pagbaba niya sa sasakyan na wala yung kapatid ko. Nainis din siya. Pero nagalit na siya nung sinabi kong 5pm pa siyang wala tapos ang paalam lang kakain sa Food Court. Ang sama ko ba? Eh totoo naman yung mga sinabi ko eh!

8:18pm, tinatawagan na ng tatay ko kapatid ko. Nung una, di sinasagot. Naka-ilang tawag ata. Nung sinagot na, sumigaw na yung tatay ko. Galit na galit. Kasi naglakwatsa eh grounded siya. 

8:26pm, dumating na yung mahusay kong kapatid. Sinalubong kagad ng tatay ko ng sampal. Tapos pinagmumura. Di ako naaawa kasi siya naman yung mali. Mas naaawa pa nga ako sa tatay ko kasi parang di siya kinakatakutan ng kapatid ko. Walang galang. Pero nung tumatagal na yung pagsampal ng tatay ko, naiiyak na ko. Hindi dahil sa kapatid ko, kundi sa tatay ko. Kitang kita ko kasing galit na galit siya eh, yung sumisigaw siya tapos nahihirapang huminga. Natatakot ako. :(

 ——-

MICH! Sana naman igalang mo sila. Di ka ba natatakot na baka atakihin sa puso si tatay? Matanda na siya. :( Di ka ba naaawa? Di ka ba nakokonsensya? Alam kong mali si tatay na saktan ka. Pero pag kinakausap ka naman ng masinsinan, labas sa kabilang tenga. Yun lang kasi yung paraan para madala ka eh. Pero seryoso, naiinis ako sayo!!! Ilang beses na kitang pinagsasabihan, yung mga tinext ko sayo nung isang gabi, alam mo yan!!! Magtanda ka naman!!! Pag naulit pa to, magagalit talaga ko sayo!!!

10:05 AM
Via
  • Girl: Your new GF is pretty (I bet she stole your heart).
  • Boy: Yeah, she is (but you're still the most beautiful girl I know).
  • Girl: I heard she's funny and amazing (all the stuff I wasn't).
  • Boy: She sure is. (but she's nothing compared to you).
  • Girl: I bet you know everything about her by now. (like how you knew just everything about me).
  • Boy: Only the stuff that count (I can't remember what she says when i think of you).
  • Girl: Well. I hope you guys last (cause we never did).
  • Boy: I hope we do too. (what happend to me and you?).
  • Girl: Well i got to go. (Before i start to cry).
  • Boy: Yeah, me too. (I hope you won't cry).
  • Girl: Bye. (I still love you).
  • Boy: See you around! (I never stopped loving you).
May 21st
11:10 AM
Via
May 5th
2:02 AM
Via
1:58 AM

Mahirap maging single, nakaka dry ng lips. :”>

1:37 AM
Via
[Flash 9 is required to listen to audio.]

Back

by Frank Ocean

May 4th
7:38 AM

My lil sister’s here na! Wee!

April 28th
11:19 AM
Via
11:12 AM

  • I wanna be blown away.
  • I wanna be swept off my feet.
  • I wanna meet the one who makes it hard for me to breathe.
  • I wanna be lost in love.
  • I wanna be your dream come true.
  • I wanna be scared of how strong I feel for you.

9:35 AM
Via
9:25 AM

I miss my lil sister. :( Two nights na kong solo sa kwarto. Two nights na rin akong walang kakwentuhan before going to sleep. Uwi ka na, sissy! Wala akong makalaro ng tong its. Haha!

April 27th
1:24 PM

I have this “Mystery Guy” in my dreams.

Hoping that we’ll meet, again. <3 Di ko maalala mukha niya. Pero I’m 100% sure na hindi ko pa siya nakikita in flesh. Ang weird lang, kasi sa panaginip ko kagabi, tatlo kaming may gusto dun sa guy na yun, isa dun yung kapatid ko. Hahaha! Ew. Oh siya, kinda sleepy na. Baka this mystery guy is waiting for me na rin. :”> Hihi. Goodnight!

12:12 PM

Ang babae, nililigawan. Hindi yung nagiging girlfriend pagkatapos ng inuman.